Banggaan ng dalawang motorsiklo, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | April 22, 2016 (Friday) | 1340

TMBB
Halos hindi makakilos dahil sa tinamong mga sugat sa katawan ang 30-anyos na si Ken Alistair ng madatnan ng UNTV News and Rescue Team sa tabi ng kalsada mag aalas dos ng madaling araw ng Huwebes.

Ayon sa traffic investigator na si PO2 Eliseo Andraneda mabilis ang pagpapatakbo ni Alistair ng kaniyang motorsiklo kaya nabangga ang sinusundan nitong motorsiklo.

Sinabi ni Andraneda nanaka-inom si Alistair.

Nilinis at nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga sugat ni Alistair sa magkabilang braso at paa at dinala sa Lady of Mercy Hospital.

Samantala, bagama’t walang injury ay dinala pa rin sa Corazon Locsin Memorial Regional Hospital ang angkas ng binanggang motor ni Alistair upang matingnan ng mga doctor.

(Primerose Guilaran/UNTV NEWS)

Tags: