Banggaan ng motorsiklo at pampasaherong jeep sa Maynila, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | June 23, 2016 (Thursday) | 1475

TMBB-MAYNILA
Magkatuwang na nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team at Raha Rescue Unit ang aksidenteng kinasangkutan ng motorsiklo at pampasaherong jeep sa Rizal Avenue Corner Pampanga Street Sta Cruz Manila ala una kaninang madaling araw.

Nilapatan ng paunang lunas ng dalawang grupo ang biktima na kinilalang si Mark Alarcon na nagtamo ng posibleng bali sa kanang hita at ang pinsan niya na si Russel Alarcon na nagtamo ng mga sa braso at siko.

Ayon sa jeepney driver na si Reymond Mejia, magbababa sana siya ng pasahero at itatabi niya ang jeep galing ng inner lane nang biglang bumangga sa likurang bahagi ng sasakyan ang motosiklo.

Ayon naman sa nakakita sa pangyayari, mabilis ang takbo ng motorsiklo nang sumalpok ito sa jeep.

Sa ngayon ay hawak na ng Manila Traffic Bureau ang kaso upang malaman ang pananagutan ng dalawang driver.

Samantala, matapos malapatan ng first aid ay dinala na ng Raha Rescue Unit ang dalawang biktima sa Chinese General Hospital upang mabigyan ng atensyong medikal.

(Benedict Galazan/UNTV Radio)

Tags: , ,