Banggaan sa San Pedro Laguna, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | August 22, 2016 (Monday) | 1453

TMBB-LAGUNA
Nirespondihan ng UNTV News and Rescue ang banggaan ng tricycle at motorsiklo sa national road ng barangay Nueva San Pedro Laguna pasado alas singko ng hapon.

Nagtamo ng gasgas sa kanang kamay at siko ang driver ng motorsiklo na si Joven Rivera.

Habang ang kaniyang motorsiklo naman ay pumailalim sa kabanggaang tricycle na minamaneho ni Edison Abijero.

Matapos malapatan ng pang-unang lunas ng grupo ang driver ng motorsiklo ay tumanggi na itong magpadala sa ospital.

(Sherwin Culubong/UNTV Radio)

Tags: ,