Bangsamoro Organic Law, nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte

by Radyo La Verdad | July 27, 2018 (Friday) | 7957

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na nilagdaan na niya ang Bangsamoro Organic Law (BOL). Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa Zamboanga kahapon.

Ang BOL ang batayan ng itatatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at magbibigay dito ng fiscal autonomy.

Pinaniniwalan din itong magiging daan upang makamit ang matagal nang inaasam na pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Nais din ng Pangulong magkaroon ng ceremonial signing ng BOL subalit hindi pa tiyak kung sa Maynila o sa Davao City ito gagawin.

Aminado naman ang punong ehekutibo na posibleng ‘di lahat ay magugustuhan ang BOL.

Noong Lunes pa sana sa mismong araw ng State of the Nation Address (SONA) ito target na lagdaan ng punong ehekutibo, subalit nabalam dahil sa nangyaring biglaang pagpapalit ng house speakership.

Ngunit ipinangako naman ng punong ehekutibo na pagkatapos na maratipikahan, pag-aaralan niya ito sa loob ng dalawang araw bago pirmahan.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,