Best of 7 championship playoffs ng Warriors at Cavaliers; inaabangan na

by Radyo La Verdad | June 3, 2016 (Friday) | 1924
photo courtesy: NBA

photo courtesy: NBA

Sisimulan na ngayon araw ang game one ng best of seven championship playoffs ng defending champion Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers.

Ito rin ang pagkakataon ni Lebron James at ng Cleveland na maipahiganti ang pagkatalo nila sa warriors sa kampeonato nang nakaraang taon.

Idaraos ang unang dalawang laro sa championship series sa Oakland California at dalawa rin sa Cleveland sa June 8 at at 10.

Kung kailangan pa ang game five, babalik ang championship series sa Oakland sa June 13.

Pumasok ang Golden State sa kampeonato matapos na talunin ang Oklahoma sa Western Conference finals 4-3.

Nakabalik ang Golden State mula sa 1-3 deficit sa pangunguna ni season MVP Stephen Curry.

(UNTV RADIO)

Tags: