Cavs ni Lebron James, pasok na sa NBA East Finals

by dennis | May 15, 2015 (Friday) | 3947
Photo credit: Reuters

Photo credit: Reuters

Tapos na ang post-season campaign ng Chicago Bulls matapos silang gapiin ng Cleveland Cavaliers sa score na 94-73.

Halos magrekord ng triple double si Lebron James nang magtala ito ng 15 points, 9 rebounds at 11 assists.

Habang nagdagdag naman ng 19 points si Cavs back-up guard Matthew Dellavedova mula sa kanyang 7-for-11 shooting.

Samantala, nagtamo naman ng injury sa kanyang tuhod si Cavs starting point guard at All-star Kyrie Irving pero hindi naman ito kailangang operahan dahil knee tendinitis lamang ang diagnosis ng mga doktor nito.

Inaantay na lamang ng Cavaliers ang resulta ng serye ng Washington Bullets laban sa number 1 seed na Atlanta Hawks na maglalaban sa Game 6 ng kanilang Eastern Conference semi-finals

Tags: , , , ,