Biktima ng motorcycle accident sa Valenzuela City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | July 27, 2016 (Wednesday) | 1699

TMBB
Magkasanib pwersang binigyan ng paunang lunas ng Valenzuela Rescue at ng UNTV News and Rescue Team ang isang lalaki matapos itong maaksidente sa sinasakyang motor sa bagbaguin Road Corner Bagong Nayon street sa Valenzuela pasado ala una kaninang madaling araw.

Naabutan ng rescue team na nakahandusay sa kalsada ang biktima na si Dante Galagar, 28-anyos.

Ayon sa mga traffic law enforcer sa lugar pagewang gewang ang takbo ng motor ng biktima ng bigla itong sumemplang.

Aminado naman ang kaibigan ng biktima na nakainom sila ng kanyang kaibigan subalit hindi ito lasing.

Bakas sa biktima ang malubhang sakit na dinadanas habang nilalapatan ito ng paunang lunas.

Bukod sa mga sugat sa katawan at muka at malaking bukol sa ulo ay iniinda din ng biktima ang tinamong pinsala sa kaliwang balikat.

Agad namang dinala ng Valenzuela Rescue ang biktima sa pinakamalapit na ospital para mabigyan ng agarang atensyong medikal.

(Macly Libradilla/UNTV Radio)

Tags: ,