Biktima ng pambubugbog sa Iloilo City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | June 17, 2016 (Friday) | 1727

ILOILO-TMBB
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang tawag ng Jaro Iloilo Police Station upang bigyan ng pang unang lunas ang nasa kanilang istasyon na umano’y biktima ng pambubugbog kaninang madaling araw.

Kaagad nagtungo ang grupo sa istasyon at nilapatan ng first aid ang sugat sa bibig at bukol sa ulo ng biktima na kinilalang si Jerald Guinea.

Ayon sa salaysay ng security guard na kinilalang si Davy Dalida nakita nitong pinipilit ni Guinea na sumakay sa kanyang pedicab ang isang residente na naturang subdivision.

Tinangka umano ng security guard na awatin si Guinea ngunit nagmatigas ito at nanlaban sa security guard kaya nagkaroon ng gulo.

Sa huli nagkasundo at nag-areglo na lamang ang dalawa.

(Iloilo UNTV News Team)

Tags: , ,