Biktima ng vehicular accident sa Cebu, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | July 22, 2016 (Friday) | 1145

MARLHON_TMBB
Nakatayo na ang biktima nang madatnan ng UNTV News and Rescue Team sa duterte St. Banawa Cebu alas nuwebe ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Evelyn Manego, tatlumpong taong gulang residente ng Capitol Site Cebu.

Nagtamo ng mga gasgas sa kanang kamay at kanang tuhod si Evelyn matapos bumangga ang motorsiklo na minamaneho ng kanyang ka live in partner na si Clifford Villarico sa isang Hyundai Getz.

Agad na binigyan ng pangunang lunas ng grupo si Evelyn at kinuhanan ng vital sign upang makuha ang initial na kalagayan ng biktima.

Ayon sa pahayag ng biktima lumingon si Clifford sa nagbanggaan na sasakyan ng biglang huminto ang Hyundai Getz na kanilang sinusundan kaya sila bumangga dito.

Pahayag naman ng driver ng Hyundai Getz na si Eddie Rojas II paliko siya sa One Pavilion subdivision sa kaya siya nag menor ng biglang may bumundol sa kanyang likuran.

Inanyayahan naman ang dalawang driver ng Cebu City Traffic Officer upang magbigay ng kanilang pahayag tungkol sa nangyaring aksidente.

(Marlhon Abique / UNTV Correspondent)

Tags: ,