Biyahe ng MRT-3 at LRT-2, suspendido mula March 28-31

by Radyo La Verdad | March 15, 2024 (Friday) | 651

METRO MANILA – Pansamantalang isusupinde ang biyahe ng MRT-3 at LRT-2 sa darating na March 28 hanggang March 31.

Ito ay upang bigyang-daan ang taunang maitenance sa mga linya ng tren.

Ayon sa management ng MRT-3, mananatili ang kanilang regular operations hanggang sa araw ng Miyerkules March 27.

Habang ang LRT-2 mas maikli na ang oras ng operasyon, kung saan bibiyahe ang huling ng tren ng hanggang ala-7 ng gabi lamang.

Muli namang babalik sa normal ang biyahe ng MRT-3 at LRT-2 pagsapit ng April 1, araw ng Lunes.

Tags: ,