MRT-3 mag-aalok ng libreng sakay sa mga menor de edad sa November 6

by Radyo La Verdad | November 3, 2023 (Friday) | 1746

METRO MANILA – Magkakaloob ng libreng sakay ang MRT-3 sa mga menor de edad sa darating na November 6 bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Children’s Month.

Sa isang pahayag, inanunsyo ni Council for the Welfare of Children (CWC) Executive Director Angelo Tamales ang libreng sakay ng mga bata sa MRT-3.

Available ang libreng sakay mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Tags: ,