National

Productivity bonus para sa mga kawani ng gobyerno, aprubado na ng Pangulo

Inaprubahan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang 2015 Productivity Enhancement Incentive (PEI) na nagkakahalaga ng P30.65 billion para sa mga empleyado ng pamahalaan kabilang ang mga kawani ng state universities and colleges (SUCs). Sa isang panayam sa media, sinabi ...

May 16, 2015 (Saturday)

3 o 4 na sundalong Amerikano, ipipresenta sa paglilitis kay US Marine Joseph Scott Pemberton sa susunod na linggo

Nasa bansa ngayon ang mga kasamahang sundalo ni US Marine Joseph Scott Pemberton upang humarap sa paglilitis sa kaso ni Jennifer Laude sa susunod na linggo. Ayon kay Justice Usec Jose Justiniano, pinabalik sa bansa ang tatlo o apat na ...

May 15, 2015 (Friday)

Dating Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn kakasuhan na sa Sandiganbayan

Pinakakasuhan na ng Office of the Ombudsman si dating Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn. Nine counts ng perjury, at tig- isang count ng graft at paglabag sa code of conduct for ethical standards for public officials and employees ang kakaharaping ...

May 15, 2015 (Friday)

Court of Appeals, pinayagan ang DOTC na ituloy ang pagbili ng bagong bagon

Kinatigan ng Court of Appeals ang Department of Transportation and Communication na bumili ng mga panibagong bagon para sa MRT 3 mula sa isang Chinese firm na nagkakahalaga ng P3.8 billion. Batay sa desisyon ng CA na isinulat ni Associate ...

May 15, 2015 (Friday)

Sandiganbayan nangangailangan ng karagdagang P166M para sa dalawang bagong division

Humihiling ng karagdagang budget ang Sandiganbayan sa Korte Suprema na nagkakahalaga ng mahigit sa P166M para sa dalawang bagong dibisyon nito. Ayon kay Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, sumulat na sila sa Korte Suprema para sa dagdag budget ng anti-graft court. ...

May 15, 2015 (Friday)

Mahindra enforcer jeep ng PNP, dumadaan sa masusing inspection bago ideliver sa Camp Crame

Dumaan sa masusing inspection ang mga Mahindra enforcer jeep na gagamitin sa pagpapatrolya ng Philippine National Police Mula sa single cab pick up na inimport mula sa India, iko-customize ito bilang patrol jeep. Tinatanggal ang likod at saka lalagyan ng ...

May 14, 2015 (Thursday)

AFP, binabalak isama ang ilang mambabatas sa muling pagdalaw sa Pag-asa island

Ipinahayag ni Armed Forces Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang na maraming mambabatas ang nagpahayag ng interes na tulungan ang lokal na pamahalaan ng Pag-asa Island. Ito ay matapos na isama ni General Catapang ang media sa isla na ...

May 14, 2015 (Thursday)

Zamboanga City, nanindigang na hindi sasama sa bubuuing Bangsamoro entity

Muling nagpahayag ng pagtutol ang Zamboanga City Government na mapasama sa isinusulong na Bangsamoro political entity. Kasabay ito sa isinagawang Senate Committee on Local Government public hearing kaugnay ng Senate Bill number 2408 o ang Bangsamoro Basic Law sa siyudad ...

May 14, 2015 (Thursday)

Kampanya laban sa mga lumalabag sa occupational safety standards, paiigtingin

Ikinalungkot ng Malakanyang ang nangyaring sunog sa isang pagawaan ng tsenelas sa Valenzuela City na ikinasawi ng maraming manggagawa nito. Ayon kay Presidential Communication Secretary Herminio Coloma Junior dahil sa insidente mas naging determinado ang pamahalaan na palakasin pa ang ...

May 14, 2015 (Thursday)

Kapangyarihan ng Bangsamoro Government sa amended BBL, binawasan

Inilabas na ng AD HOC Committee ang kanilang bersyon ng Bangsamoro Basic Law na nakatakdang pagbotohan sa Lunes. Sa orihinal na bersyon siyam lamang ang exclusive powers ng National Government gaya ng Defense and External Security, Foreign policy, Postal service, ...

May 14, 2015 (Thursday)

Isang trader at tatlong delinquent taxpayers, sinampahan na ng BIR sa DOJ.

Sinampahan ng kasong tax evasion ang isang trader habang kasong willful failure to pay taxes naman ang inihain laban sa isang gas retailer at mga kinatawan ng dawalang kumpanya na pawing mga taga-lungsod ng Makati at Parañaque. Sa pangunguna nila ...

May 14, 2015 (Thursday)

BSP, pinagpapaliwanag ng ilang senador dahil sa halos pagkakapareho ng 1000 at 100 peso bills

Pinagpapaliwanag ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel lll, ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kung bakit halos magkapareho ang itsura ng banknotes ng 1000 at 100 peso bills. Ito ay matapos makatanggap ang senador ng maraming reklamo mula sa publiko na ...

May 14, 2015 (Thursday)

Panukalang magbibigay ng VAT exemption sa mga PWD target maipasa Senado

Target na maipasa ang panukalang batas para sa Value Added Tax (VAT) exemption ng mga taong may kapansanan bago mag- adjourn ang sesyon ng Senado sa June 12. Dininig na sa Senado ang panukalang batas na layuning amyendahang muli ang ...

May 13, 2015 (Wednesday)

Mahigit P30 billion, ibinigay na remittance ng 49 GOCCs kay Pangulong Aquino

Nananatiling malaki ang nai-aambag ng mga government-owned and controlled corporations (GOCC) sa kaban ng bayan. Sa ginanap na seremonya sa Malacanang kahapon ini-abot kay Pangulong Aquino ng 49 na GOCC’S ang tseke na nagkakahalaga ng mahigit sa 30 billion pesos ...

May 13, 2015 (Wednesday)

Petisyon upang ibalik sa P8.50 ang pasahe sa jeep, inihain na sa LTFRB

Ipinababawi na ng grupong Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pisong provisional roll back na iniutos nito noong Disyembre 2014, kaya naging P7.50 ang minimum na pasahe sa jeep. Sa isinumiteng ...

May 13, 2015 (Wednesday)

Hiling na House Arrest ni Cong. Gloria Arroyo, hinarang ng prosekusyon

Tinutulan ng kampo ng prosekusyon ang hiling ni dating Presidente at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na masailalim sa House Arrest sa kanyang bahay sa La Vista subdivision sa Quezon City, o sa isa pa niyang bahay sa Lubao,Pampanga. ...

May 13, 2015 (Wednesday)

Mga pulis na umano’y dawit sa carnapping activities, iimbestigahan ng HPG

Kumikilos na ang Highway Patrol Group (HPG) upang imbestigahan ang mga pulis na umano’y dawit sa pagnanakaw ng mga sasakyan sa bansa… Ito’y matapos na malantad sa pagdinig ng Senado ang blue book ng yumaong si DILG Secretary Jessie Robredo ...

May 13, 2015 (Wednesday)

Ilang tindahan ng school supplies sa Maynila, pinaalalahanan ng DTI

Hindi nakaligtas sa isinagawang inspeksyon ng Department of Trade and Industry ang mga tindahan ng school supplies sa Recto at Divisoria. Sinita ng DTI ang ilang tindahang napag-alamang nagbebenta ng mas mataas sa itinakdang Suggested Retail Price o SRP. Hindi ...

May 13, 2015 (Wednesday)