National

Supply ng tubig sa Metro Manila mula sa Angat dam, muling babawasan sa Hulyo

Muling babawasan ang supply ng tubig sa Metro Manila sa Hulyo. Ayon sa National Water Resources Board, 2 cubic meters per second o cms ang mababawas sa alokasyon ng tubig sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng tubig ...

June 17, 2015 (Wednesday)

Mga bagong maintenance provider ng MRT magsisimula na sa susunod na buwan

Simula sa susunod na buwan ay maaaring magkaroon na ng improvements sa operasyon ng MRT dahil na i-award na Department of Transportation and Communications (DOTC) ang apat na maintenance contract sa railways system. Kabilang dito ang rail tracks and permanent ...

June 17, 2015 (Wednesday)

Petisyon ng Meralco para sa mas mababang singil sa kuryente ngayong taon, nakabinbin pa rin

Hinihintay pa rin ng Meralco ang desisyon ng Energy Regulatory Commission sa kanilang kahilingan na maibaba ang singil sa kuryente ngayong taon. Kung maaprubahan ito ng Energy regulatory Commission, aabot sa 10.4% ang maibabawas sa interim rate adjustment sa kasalukuyang ...

June 17, 2015 (Wednesday)

Konstruksyon ng Torre de Manila, pinigil ng Korte Suprema

Pinatitigil ng Korte Suprema ang pagtatayo ng kontrobersyal na Torre de Manila Condominium. Isang TRO o Temporary Restraining Order ang inilabas ng Korte Suprema laban sa mga developer ng naturang gusali. Kinuswestyon ng Knights of Rizal ang pagtatayo sa naturang ...

June 16, 2015 (Tuesday)

PNP, tiwalang simula na ng kapayapaan sa Mindanao kasunod ng decommissioning ng armas ng MILF

Naniniwala ang Philippine National Police na ang Decommissioning ng mga arms ng Moro Islamic Liberation Front ang unang hakbang tungo sa pagkakamit ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao. Ayon kay PNP PIO OIC P/CSupt. Wilfredo Franco, positibo silang ito na ang ...

June 16, 2015 (Tuesday)

MILF combatants, tiwalang maganda ang kalalabasan ng pagtatatag ng Bangsamoro Government

Tiwala ang Moro Islamic Liberation Front na maganda ang ibubunga ng pagsosoli ng armas at Decommissioning sa mga combatants upang maaprubahan ang panukalang Bangsamoro Government. Ayon sa isa sa mga na-decommissioned na si Jacob Palao, Deputy Head for Operation Department ...

June 16, 2015 (Tuesday)

Seremonya ng pagsasauli ng mga armas at decommissioning ng MILF combatants isinagawa sa Sultan Kudarat, Maguindanao

Naisagawa na ngayong araw ang makasaysayang pagsauli ng armas at Decommissoning ng mahigit sa isang daang combatants ng Moro Islamic Liberation Front sa Sultan Kudarat, Maguindanao na sinaksihan ni Pangulong Aquino. Mahigit pitumpung armas na high powered at crew-served weapons ...

June 16, 2015 (Tuesday)

8 container ng smuggled na asukal, nasabat ng Bureau of Customs

270 libong kilo ng smuggled na Thailand produced refined sugar ang nasabat ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port. Nitong Mayo dumating sa bansa ang sako- sakong asukal na nakalagay sa 8 container van. Sa isinagawang spot checking ...

June 16, 2015 (Tuesday)

Petisyon ni Makati City Mayor Junjun Binay na mag-inhibit sa kanyang kaso ang ilang myembro ng Korte Suprema, hindi pinagbigyan

Pinag-iinhibit ni Makati City Mayor Junjun Binay sa pagdinig sa petisyon ng Ombudsman sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, at Associate Justices Antonio Carpio at Martin Villarama Junior. May kaugnayan ang petisyon sa ipinataw na suspensyon sa kanya ni Ombudsman ...

June 16, 2015 (Tuesday)

Umano’y panunuhol sa mga opisyal ng Bureau of Immigration, itinanggi ni Wang Bo

Nakaposas ng dumating sa mababang kapulungan ng kongreso ang Chinese fugitive na si Wang Bo kaninang pasado alas-onse ng umaga mula sa Bureau of Immigration facility authority sa Taguig. Sa pagharap nito sa pagdinig agad niyang itinanggi na siya ay ...

June 16, 2015 (Tuesday)

DBM, naglaan ng P31.8B para sa pagpapatayo ng 20K classrooms

Naglabas na ng P31.8 bilyong piso ang Department of Budget and Management (DBM) para sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang ipatupad ang panukalang kontruksyon o rehabilitasyon ng 22,325 na class room sa buong bansa para sa implementasyon ...

June 16, 2015 (Tuesday)

Sin Tax Law, epektibo sa pagbaba ng bilang ng naninigarilyo sa bansa – BIR

Malaki ang ibinaba ng bilang ng mga naninigarilyo sa bansa habang tumaas naman ang buwis na nakukuha rito ng pamahalaan mula nang ipatupad ang Sin Tax Law. Ito ang ipinahayag ni Bureau of Internal Revenue commissioner Kim Henares matapos tumaas ...

June 16, 2015 (Tuesday)

Mga OFW, muling pinaalalahanang sumunod sa health advisories kasunod ng MERSCOV outbreak sa Sokor

Muling pinaalalahan ng Department of Labor and Employment at Department of Foreign Affairs ang mga kababayan nating nasa ibang bansa na sumunod sa mga health advisory upang maiwasang magkaroon ng MERS COV. Ito’y matapos tumaas ang kaso ng MERSCOV sa ...

June 15, 2015 (Monday)

DOTC nagsagawa ng inspeksyon sa PNR

Dalawang linggo pa ang tantya ng mga opiyal ng Philippine National Railways bago makabalik sa operasyon ang mga tren ng PNR. Patuloy pa rin ang pagkukumpuni sa mga riles upang masiguro na ligtas na itong daanan ng mga tren. Naglagay ...

June 15, 2015 (Monday)

Ayala Bridge binuksan na sa mga motorista

Matapos maudlot ng ilang beses binuksan na sa mga motorista ang Ayala Bridge kaninang alas singko ng madaling araw. Nagawa nang maiangat ang tulay ng 70 centimeters upang maayos na makadaan sa ilalim ang mga barge at vessel na dumadaan ...

June 15, 2015 (Monday)

Shell at Seaoil, magpapatupad ng P1 kada litrong dagdag-presyo sa produktong petrolyo bukas

Magpapatupad ng dagdag-presyo sa produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis Batay sa anunsyo ng Pilipinas Shell at Seaoil, epektibo mamayang alas dose uno ng madaling araw, piso at limang sentimos ang idaragdag sa presyo ng kada litro ng gasolina ...

June 15, 2015 (Monday)

Seremonya ng pagbabalik ng mga armas at Decommissioning ng MILF combatants, inaasahang dadaluhan ni Pangulong Aquino

Isang simpleng seremonya ang isasagawa bukas sa Maguindanao para sa unang bahagi ng Decommissioning program ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front. Inaasahan ang pagdating ni Pangulong Benigno Aquino III sa nasabing pagtitipon. Ayon sa Office of the Presidential Adviser ...

June 15, 2015 (Monday)

Katatagan ng Korte Suprema bilang institusyon, masusubok sa 2016 national elections – CJ Sereno

Magiging malaking pagsubok para sa Korte Suprema ang taong 2016 dahil sa idaraos na halalan sa bansa. Ayon kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, hindi biro ang ginagawang paghahanda para sa pagdaraos ng isang national elections sa Pilipinas at dapat ...

June 12, 2015 (Friday)