Cavs PF Kevin Love, hindi makakapaglaro ng dalawang linggo

by dennis | April 28, 2015 (Tuesday) | 1016
Photo credit: Reuters

Photo credit: Reuters

Hindi makakapaglaro sa kabuuan ng Eastern Conference semi-final round si Kevin Love ng Cleveland Cavaliers dahil sa tinamong injury sa kaliwang balikat.

Tinamo ni Love ang naturang injury habang nakikipagagawan sa rebound sa unang quarter ng Game 4 ng kanilang 1st round series laban sa Boston Celtics.

Agad na tumakbo si Love sa kanilang locker room at hindi na bumalik sa laro. Batay sa resulta ng X-ray at magnetic resonance imaging (MRI), na-dislocate ang balikat nito at nagkaroon pa ng ligament tear at bone bruising.

Maglalabas pa ng karagdagang update ang team management ng Cavaliers hinggil sa injury ni Love na sumasailalim ngayon sa karagdagang eksaminasyon at training room treatment.

Tags: , , , , ,