Cleveland Cavaliers, panalo kontra Golden State Warriors sa Game 5 ng NBA Finals

by Radyo La Verdad | June 14, 2016 (Tuesday) | 9412
Game 5 ng NBA Finals(USA Today Sports)

Game 5 ng NBA Finals(USA Today Sports)

Malungkot na umuwi ang maraming Warrior fans sa San Francisco matapos talunin ng Cleveland Cavaliers ang Golden State Warriors sa Game 5 ng NBA Finals, 112-97.

Ito na sana ang magiging victory game ng Warriors sa NBA ngayong taon ngunit dahil natalo sa Cavaliers kailangan muli nilang patunayan sa game six ang kanilang husay sa paglalaro sa serye na 3-2 lamang ang Warriors.

Kapwa pinangunahan ang Cavaliers nina Lebron James at Kyrie Irving na kumamada ng tig-apat na put isang puntos.

Sa panig naman ng Warriors nagbuslo ng 37 points sa laro si Klay Thompson habang ang NBA MVP naman na si Stephen ay nakapagambag ng 25 points.

Hindi nakapaglaro ngayon ang Warriors star forward na si Draymond Green matapos masuspinde dahil sa kanyang flagrant foul kay Cavaliers star LeBron James.

Inaasahan naman na makapaglalaro ito sa Game 6.

Bago magsimula ang laro nag-alay ng moment silence ang buong Oracle arena sa mga biktima sa nangyaring mass shooting sa Pulse Gay Nightclub sa Orlando, Florida na ikinasawi ng 50 katao habang 53 ang sugatan.

Pinangunahan ni Orlando Magic Legend Grant Hill ang inalay na isang minutong katahimikan.

Ang Game 6 ay isasagawa homecourt ng Cavaliers sa Ohio sa araw ng Huwebes sa Amerika at Biyernes naman sa Pilipinas.

(Randel Umipig / UNTV Correspondent)

Tags: , ,