CGMA, muling humiling ng house arrest sa Sandiganbayan

by dennis | April 8, 2015 (Wednesday) | 1663

UNTV__image__062812__GLoria-Macapagal-Arroyo1

Muling humiling sa Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na makalabas ng Veterans Memorial Medical Center at masailalim nalang sa house arrest sa kanyang bahay sa La Vista subdivision sa Quezon City.

Sa mosyon na inihain nito sa Sandiganbayan 1st Division, binigyan diin nitong lumalala lamang ang kanyang kundisyon sa VMCC at hindi nakabubuti sa kanyang kalusugan ang patuloy na hospital confinement.

Sinabi rin nitong hindi maituturing na special treatment ang house arrest para sa kanya dahil una nang pinagbigyan ng anti-graft court na ma-house arrest ang dating presidente at ngayoy Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada.

Ayon din kay Arroyo, hindi mawawala ang hurisdiksyon ng korte sa kanya dahil parehong medical professionals at escorts ang magbabantay sa kanya habang naka-house arrest.

Diringgin ng korte ang kanyang mosyon sa April 26.

Tags: , , ,