Dalawa ang patay sa nangyaring landslide sa Taytay, Rizal dulot ng bagyong Maring

by Radyo La Verdad | September 12, 2017 (Tuesday) | 430

Patay ang dalawang binatilyo matapos na gumuho ang lupa at bumagsak ang kanilang bahay sa may Hapay na Mangga, barangay Dolores Taytay, Rizal.

Kinilala ang dalawa na sina Jude Pundal, 18 anyos at Justine Pundal, 14 anyos.

Nabaon ng buhay ang dalawa samantalang ang mga magulang at dalawa pa nilang kapatid ay buhay na nakaligtas sa nangyaring insidente.

Mabilis ang pagresponde ng Taytay MDRRMO at isinugod sa Taytay Emergency Hospital ang pamilya ngunit binawian na ng buhay ang dalawa.

Bukod sa landslide ay nakararanas naman ng mataas na pagbaha ang mga residente mga ng bayan Cainta, Taytay, San Mateo, Morong at Angono.

Binuksan na ang mga evacuation center at may mga nailikas na sa mga lugar na nabanggit.

 

(Cecille Alabata / La Verdad Correspondent)

Tags: , , ,

Leave a Reply