Dalawang biktima ng hit-and-run sa Butuan City, magkatuwang na nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team at CDRRMO

by Radyo La Verdad | October 15, 2018 (Monday) | 6976

Duguan si Doreen Rose Margallo at ang kanyang katrabahong lalake nang datnan ng UNTV News and Rescue at City Disaster Risk Reduction and Management Office sa JC Aquino Avenue, Butuan City, pasado alas dyes noong Byernes.

Tumilapon umano sila sa kalsada matapos banggain ng isang pick-up ang likurang bahagi ng kanilang sinasakyang motorsiklo.

Agad nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV Rescue si Margallo na nagtamo ng sugat iba’t-ibang bahagi ng katawan habang ang CDRRMO naman ay nagbigay ng first aid sa kanyang katrabahong lalake.

Matapos lapatan ng first aid ang mga biktima ay dinala sila sa Butuan Doctors Hospital para sa karagdagang atensyong medikal.

Ayon sa ilang nakakita sa pangyayari, binabagtas ng motorsiklo ng mga biktima ang J.C. Aquino Ave. ng bundulin ito ng isang pick-up na mabilis umano ang takbo.

Dahil dito, bumangga naman sa nakaparadang truck sa unahan ng mga ito ang mga biktima. Agad namang tumakas ang nakabanggang pick-up truck at kasalukuyan pang pinaghahanap ng pulisya.

 

( Raymond Octobre / UNTV Correspondent )

Tags: , ,