Dalawang motorcycle rider na sugatan sa aksidente sa Tacloban City, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | June 11, 2018 (Monday) | 1100

Basang kalsada ang itinuturong dahilan ni Charles Retueto kaya nadulas at natumba ang kanyang minamanehong  motorsiklo sa Brgy. 48-B Real Street, Tacloban City bandang 4:20 ng madaling araw noong Sabado.

Dahil dito, nagtamo ang biktima ng mga gasgas at sugat sa magkabilang tuhod at tiyan.

Hindi naman napansin ng driver ng kasalubong na motorsiklo na si Herwin Pallorina ang natumbang motorsiklo sa kalsada at ng tangkain nitong umiwas ay nadulas din ang kanyang motorsiklo at natumba.

Idinadaing naman ni Herwin ang pamamaga ng kaliwang kamay at ilang gasgas sa paa na agad kapwa nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga tinamong pinsala ng dalawang biktima. Ngunit pagkatapos ay tumanggi na ang mga ito na magpadala sa hospital.

Paalala ng mga otoridad, mas maging maingat sa pagmamaneho kapag maulan dahil madulas ang mga kalsada.

 

( Archyl Egano / UNTV Correspondent )

Tags: , ,