Dalawang sugatan sa aksidente sa motorsiklo, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | October 6, 2017 (Friday) | 2138

Sugatan ang magpinsang Jonjon Dayos at Marlon Oria matapos maaksidente ang sinasakyan nilang motorsiklo sa brgy. Sampaloc Apalit, Pampanga pasado alas dose y medya kaninang madaling araw.

Ayon sa bente singko anyos na si Jonjon, pauwi na sana sila ng bahay at binabagtas ang Mc. Arthur Highway ng mabangga nila ang likurang bahagi ng sinusundang nilang motorsiklo.

Nagtamo ng sugat sa kanang binti, tuhod at kamay si Jonjon habang si Marlon ay may sugat sa kanang siko at binti.

Ang nabangga namang nilang rider ay walang tinamong pinsala.

Aminado ang magpinsan na nakainom sila ng alak at galing sa isang kasiyahan kaya naalangan sila sa sinusundan nilang motorsiklo.

Nilapatan ng pang unang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang magpinsan at saka inihatid sa Jose B. Lingad Regional Memorial Hospital.

 

( Leslie Huidem / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

Leave a Reply