DND, susunod sa utos ng Pangulo na pagkakaroon ng Suspension of Military Operations ngayong holiday season

by Radyo La Verdad | December 21, 2017 (Thursday) | 4382

Handang sumunod sa utos ni Pangulong Duterte ang Department of National Defense sa pagdedeklara ng Suspension of Military Operations laban sa New People’s Army ngayong holiday season.

Ayon kay DND Sec. Delfin Lorenzana, bagamat hindi niya inirekomenda sa Pangulo ang tigil-putukan sa mga teroristang New People’s Army, susunod siya sa direktiba ng punong ehekutibo.

Maging si PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa ay susunod sa utos ng Pangulo na suspension of police operations laban sa NPA.

Subalit hindi sila titigil sa kanilang giyera laban sa iligal na droga.

 

Tags: , ,