Driver ng nabanggang truck sa Bulacan, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | August 1, 2016 (Monday) | 1385

NESTOR_TMBB
Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isa sa dalawang driver ng nagbanggaan ng 10-wheeled truck sa Mc Arthur Highway sa San Juan, Balagtas Market, Bulacan noong Sabado.

Idinadaing ng driver na kinilalang si Billy Jay Geregale, bente singko anyos ang pananakit ng tiyan at ng iba pang bahagi ng katawan.

Ayon sa pahinante nito, nawalang ng preno ang kanilang truck kung kaya nabangga nila ang sinusundang truck.

Matapos lapatan ng paunang lunas ay dinala na agad ang biktima sa Bulacan Medical Center para sa iba pang karagdagang atensyong medical.

Samantala, wala namang nasaktan sa sakay ng isa pang truck.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: ,