Former MVP Derrick Rose, balik-aksyon na para sa Chicago Bulls

by dennis | April 8, 2015 (Wednesday) | 1109
Photo credit: Reuters

Photo credit: Reuters

Magbabalik na rin sa active roster ng Chicago Bulls si Derrick Rose matapos makapagpagaling mula sa kanyang knee injury.

Ayon kay Bulls head coach Tom Thibodeau, isasalang agad sa starting 5 si Rose sa kanilang laban sa Orlando Magic Miyerkules gabi (oras sa Amerika).

Si Rose ay hindi nakapaglaro ng 20 regular games ngayong season matapos sumailalim sa minor operation sa kanang tuhod noong Pebrero 27.

Lilimitahan lamang sa 20 minuto ang paglalaro ni Rose habang nagbabalik na rin si Bulls point guard Kirk Hinrich matapos magabsent ng dalawang laro dahil sa hyperextended left knee.

Matatandaan noong nakaraang season halos hindi nakapaglaro si Rose dahil sa torn meniscus sa kanang tuhod at nagkaroon naman ito ng anterior cruciate ligament tear sa kaliwang tuhod sa pagsisimula ng 2012 playoffs.

Tags: , ,