Ginang na sugatan sa aksidente sa San Simon Pampanga, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | July 5, 2016 (Tuesday) | 1309

tmbb-pampanga
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang aksidente sa pagitan ng kotse at tricycle sa kahabaan ng Mc. Arthur Hi-Way Barangay Tulaoc sa bayan ng San Simon Pampanga pasado alas-nuebe kagabi.

Nagtamo ng mga sugat at gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isa sa mga sakay ng tricycle na kinilalang si Lordes Pamintuan, 63 anyos at resident ng Sta.Ana Pampanga.

Nilapatan ng UNTV News and Rescue Team ang mga tinamong pinsala ng biktima at pagkatapos ay dinala ito sa Jose B. Lingad Hospital.

Ayon kay Aling Lourdes sakay siya ng tricycle kasama ang pamangkin at pauwi na sana nang mangyari ang aksidente.

Nakatigil sila sa may bahagi ng naturang brgy dahil naka-red signal ang traffic light nang biglang banggain ng kotse ang likurang bahagi ng tricycle.

Hindi na nagbigay ng pahayag ang babaeng driver ng kotse ngunit nangako naman na sasagutin nito ang lahat ng gastos sa hospital ni Aling Lourdes.

(Joshua Antonio/UNTV Radio)

Tags: ,