Higit 100 katao patay sa sunud-sunod na pagsabog sa Syria

by Radyo La Verdad | February 22, 2016 (Monday) | 4803

SYRIA
Nasawi ang hindi bababa sa 100 katao matapos ang sunud-sunod na pagsabog sa Syria.

Unang inako ng Islamic State o ISIS ang pagpapasabog sa bayan ng Homs na ikinasawi ng 57 katao at ikinasugat ng mahigit 100 pa.

Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, isang British based monitoring group, makikita sa mga television footage ng mga lokal na media ang nagkalat na debris at mga sunog na bangkay sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog.

Inako naman ng grupong ISIS ang responsibilidad sa sa pagpapasabog sa Damascus.

Nasa 50 naman ang namatay sa unang car bombing na sinundan ng dalawa pang suicide bombers.

(UNTV News)

Tags: ,