House Speaker Romualdez, nagbabala sa mga nagmamanipula ng presyo ng sibuyas at bawang sa merkado

by Radyo La Verdad | February 6, 2023 (Monday) | 4195

METRO MANILA – Binalaan ni House Speaker Martin Romualdez ang mga illegal trader at hoarder ng sibuyas at bawang sa bansa na bilang na ang kanilang araw.

Ayon kay Speaker Romualdez, nakatanggap umano sila ng ulat na may mga grupong nagmamanipula ng suplay ng sibuyas at bawang para magkaroon ng tinatawang na artificial shortage o kakulangan sa suplay para maitas ang presyo.

Dagdag pa ng mambabatas, maituturing aniya itong isang economic sabotage.

Inatasan na rin nito ang House Committee on Agriculture and Food na magsagawa ng imbestigasyon at irekomenda kay Pangulong Ferdinand Marcos Junior na magkaroon ng importasyon para mapababa ang presyo ng sibuyas at bawang.

Bukod pa sa pagsasagawa ng imbestigasyon, nais din ni Romualdez na magkaroon ng daily monitoring ng mga presyo ng bawang at sibuyas sa mga pamilihan.

Tags: , ,