Ikalawang SONA ng Pangulo, mahigit 1 oras na naantala dahil sa sigalot sa House Speakership

by Radyo La Verdad | July 24, 2018 (Tuesday) | 674

Mahigit isang oras naantala ang pagsisimula ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.

Bunsod ito ng biglaang pagbabago sa liderato ng house of representatives ilang minuto bago dumating ang Pangulo.

Bagama’t naka-pwesto na si Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa rostrum, si House Speaker Pantaleon Alvarez pa rin ang sumalubong kay Pangulong Duterte kasama si Senate President Vincente Sotto III.

Sinasabing kapwa kinausap ng Pangulo sina Arroyo at Alvarez.

Matapos ang halos isa’t-kalahating oras ay pumasok na sa plenary ang Pangulo at sinimulan ang talumpati na tumagal lamang ng apatnapu’t walong minuto.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,