Ilang bahagi ng Bacoor at Las Piñas, mawawalan ng tubig

by Radyo La Verdad | November 3, 2016 (Thursday) | 2767

water
Apektado ng water service interruption ang ilang bahagi ng Cavite at Las Piñas.

Ayon sa Maynilad, ito ay dahil ia-upgrade nito ang Marcos Alvarez pumping station ngayong araw.

Bunsod nito, mawawalan ng tubig ang Barangay Molino dos, tres at syete sa Bacoor, Cavite mula alas kwatro mamayang hapon hanggang bukas ng alas dos ng hapon.

Samantala apektado rin ng water service interruption ang Barangay Almanza Uno, Pilar, Talon Singko at Talon Uno sa Las Piñas City.

Tags: ,