Ilang bahagi ng Makati, Mandaluyong at Taguig, mawawalan ng supply ng tubig

by Radyo La Verdad | October 13, 2016 (Thursday) | 4878

water
Apektado ng water service interruption ang ilang barangay sa Metro Manila.

Ayon sa Manila Water, isang oras na mawawalan ng supply ng tubig ang Barangay Western Bicutan sa Taguig, mula mamayang ala una hanggang alas dos ng hapon.

Alas dies ng gabi naman hanggang alas kwatro ng madaling araw bukas ang nakatakdang water interruption sa Barangay Tejeros sa Makati.

Mawawalan din ng supply ng tubig ang Barangay Hagdang Bato Itaas mula alas otso y medya ng gabi hanggang alas kwatro y medya ng madaling araw habang alas dies y medya ng gabi naman hanggang ala sais ng umaga sa Barangay Poblacion sa Mandaluyong City.

Tags: , ,