Ilang bahagi ng Marikina at QC, mawawalan ng supply ng tubig

by Radyo La Verdad | October 19, 2016 (Wednesday) | 4774

water
Mawawalan ng supply ng tubig ang ilang bahagi ng Marikina at Quezon City mamayang gabi.

Batay sa advisory ng Manila Water, apektado ng isasagawang step testing sa Paraiso Street mamayang alas onse ng gabi hanggang ala singko ng madaling araw bukas ang ilang bahagi ng Parang, Marikina.

Mula alas onse din ng gabi na tatagal naman ng hanggang alas tres y medya ng madaling araw ang water service interruption sa Barangay Old Balara, Quezon City.

Tags: ,