Ilang bahagi ng Pasig at QC, mawawalan ng supply ng tubig

by Radyo La Verdad | October 20, 2016 (Thursday) | 4776

water
Mawawalan ng tubig ang ilang bahagi ng Pasig at Quezon City mamayang gabi hanggang bukas ng umaga.

Batay sa advisory ng Manila Water, apektado ng water service interruption ang ilang bahagi ng Barangay Bagong Ilog sa Pasig mula alas dies ng gabi hanggang alas sais ng umaga.

Alas onse naman ng gabi mawawalan ng supply ng tubig ang ilang bahagi ng Barangay Old Balara sa Quezon City na tatagal hanggang alas tres kwarenta y singko ng madaling araw.

Tags: ,