Ilang kalsada sa Maynila, sarado dahil sa taunang prusisyon sa Quiapo

by Jeck Deocampo | January 8, 2019 (Tuesday) | 2857

MANILA, Philippines – Simula kahapon ay isinara na sa mga motorista ang ilang kalsada sa Maynila para sa taunang prusisyon sa Quiapo.

Ayon sa Manila Police District Traffic Enforcement Unit kabilang sa mga saradong kalsada ang Katigbak Drive, South Drive at Independence Road sa Manila.  Sa mga sasakyan na galing sa A.Bonifacio, pwedeng dumiretso na sa Roxas Boulevard. Ang mga manggagaling naman sa TM Kalaw at Roxas Boulevard, pwede pa ring dumaan sa kahabaan ng Roxas Boulevard patungo sa destinasyon.

Kung magtutungo naman sa H2O Hotel, maglalaan ng isang lane sa Katigbak Road para sa mga sasakyan.  Sarado naman ang mas maraming kalsada sa araw ng Miyerkules simula alas-12:00 ng madaling araw kabilang na ang buong Mac Arthur, Jones at Quezon Bridge. 

Katigbak Drive hanggang TM Kalaw sa Roxas Boulevard at ang magkabilang lane ng Quezon Boulevard sa paligid ng Quiapo Church sa Maynila.

Samantala, nakahanda na rin ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para masiguradong magiging payapa ang prusisyon sa Miyerkules. Posible na muling patayin ang cellphone signal sa Quiapo area gaya noong nakaraang taon upang hindi ito magamit ng masasamang loob. 

Tags: , , , ,