Intramuros at Rizal Park, bubuksan na sa mga turista simula ngayong araw

by Erika Endraca | September 16, 2021 (Thursday) | 271

METRO MANILA – Bubuksan na muli ngayong araw (September 16) ang Rizal Park, Fort Santiago, Baluarte de San Diego at Plaza San Luis ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Berna Romulo-Puyat.

Magbubukas ang Rizal Park mula 5:00 AM to 9:00 AM at 500 maximum visitors lamang ang papasukin sa Parke.

Bubuksan naman ang Fort Santiago mula 9:00 AM to 7:30 PM tuwing weekdays at 9:00 AM to 8:30 PM naman kapag weekends. Nasa 150 maximum visitors ang papasukin sa lugar.

Samantala, mula 8:00 AM to 5:00 PM naman magbubukas ang Baluarte de San Diego at nasa 80 maximum visitors lamang ang papayagang makapasok sa lugar.

Araw-araw namang bubuksa sa mga turista Plaza San Luis mula 8:00 AM to 9:00 PM.

Kaalinsabay nito, inaabisuhan ang mga bibisita na i-download ang StaySafe app para mas madali ang pagpasok sa mga tourist destination.

Bibigyan naman ng express lane ang mga fully-vaccinated individuals na bibisita sa Fort Santiago and Baluarte San Diego.

Ipatutupad naman sa mga nasabing lugar ang mandatory temperature checking at susubaybayan ang pagsunod sa minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng masks at face shields, social distancing at regular disinfection.

(Kyle Nowel Ballad| La Verdad Correspondent)

Tags: , ,