Isa sa apat na gunmen sa Garissa massacre, anak ng gov’t official sa Kenya

by dennis | April 6, 2015 (Monday) | 1995
Reuters - Dalawang security officers na nagbabantay sa Garissa University College sa Kenya

Reuters – Dalawang security officers na nagbabantay sa Garissa University College sa Kenya

(Reuters) – Anak ng isang Kenyan government official ang isa sa mga gunmen na pumatay sa 147 katao sa loob ng isang unibersidad noong nakaraang linggo, ayon sa interior ministry.

Dahil sa madugong pangyayari, napilitang magempleyo ng security personnel ang mga simbahan sa Kenya para proteksyunan ang mga mananampalataya nito nitong nakaraang Linggo.

Ayon kay Interior Ministry spokesman Mwenda Njoka, anak ni Abdullahi Daqare, isang Kenyan government official, si Abdirahim Abdullahi, isa sa apat na gunmen na nagspray ng bala sa mga walang labang sibilyan sa loob ng Garrisa University College.

Iniulat pa ni Daqare sa mga otoridad na nawawala ang kanyang anak at nagsasagawa pa sila ng search operations nang mangyari ang madugong insidente.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , ,