Mga estudyante sa Kenya, nagmartsa sa Nairobi para hilingin ang dagdag-seguridad sa mga pamantasan

by dennis | April 8, 2015 (Wednesday) | 2030
Screengrab from Reuters

Screengrab from Reuters

Nagmartsa ang mga estudyante ng Garissa University College sa kapitolyo para hilingin sa pamahalaan na paigtingin pa ang seguridad sa kanilang pamantasan.

Noong nakaraang linggo, sinugod ng mga armadong kalalakihan ang nabanggit na unibersidad kung saan 148 ang patay.

Daan-daang estudyante rin mula sa iba’t ibang unibersidad ang nagmartsa sa Nairobi at ang ilan ay naghain pa ng petisyon sa Office of the President para hilingin ang dagdag seguridad sa mga pamantasan.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng komento ang pamahalaan ng Kenya.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , , , ,