Isang Lalaking biktima ng aksidente sa motorsiklo sa Masbate City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | August 31, 2016 (Wednesday) | 1526

gerry2
Nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue ang isang lalaking biktima ng aksidente sa motorsiklo sa Jesse Robredo Boulevard syudad ng Masbate kagabi.

Nagtamo ng mga gasgas sa kaliwang tuhod, binti at hiwa sa daliri sa paa ang biktima na kinilalang si Ronald Sajurjo residente ng Baranggay Nursery, Masbate City.

Binabagtas umano ng biktima ang Jesse Robredo Boulevard ng mawalan ng kontrol sa manibela sa palikong bahagi ng kalsada at tuluyang sumalpok ang sinasakyan niyang Suzuki rider sa isang street light.

Aminado ang biktima na nakainom ng alak at medyo mabilis ang kanyang pagpapatakbo.

Matapos itong mabigyan ng pangunang lunas hindi na nagpadala sa ospital ang biktima, nagpahatid na lang ito sa kanilang bahay.

(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)

Tags: , ,