Kaligtasan ng mga Pilipino sa Middle East tiniyak ng Iran at Saudi Arabia Ambassadors to the Philippines

by Erika Endraca | January 8, 2020 (Wednesday) | 9472
PHOTO BY: LAWRENZE RUIZ | WIKI

METRO MANILA – Nakipagpulong na si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin kay Iranian Charges D’affaires Nader Naseri at Kingdom of Saudi Arabia Ambassador to the Philippines Dr. Abdullah N.A. Al Bussairy upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa kanilang bansa.

Samantala sa twitter post ng kalihim sinabi nito na nakahanda na ang lahat ng embahada at konsulada ng Pilipinas sa Middle East sakaling kailanganing ilikas ang ating mga kababayan doon.

Makahanda na rin umano ang mga barko ng Philippine Coast Guard para sa mass evacuation ng mga OFW oras na lalo pang tumindi ang sigalot sa gitnang silangan base sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala hihigpitan ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa embahada ng Amerika, Iran at mga kaalyadong bansa nito.

(Grace Casin | UNTV News)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,