Konstruksyon sa LRT line 1 Cavite extension, sisimulan na sa susunod na Linggo

by Erika Endraca | May 3, 2019 (Friday) | 4184

Manila, Philippines – Sisimulan na sa Martes, May 7, ang aktwal na konstruksyon ng LRT line 1 Cavite extension.

Pagdudugtungin ng extension project ang Baclaran at Bacoor, Cavite.

Oras na matapos ito magiging 25 minuto na lang ang biyahe mula sa kasalukuyang 1 oras at 10 minuto.

Nakapaloob sa 11.7 kilometer railway extension project ang pagtatayo ng 8 bagong istasyon.

Target na masimulan ang partial operability ng Baclaran to Dr. Avenue Santos, Parañaque city segment ng proekto sa huling bahagi ng taong 2021.


Tags: ,