Labi ng 2 OFW na nasawi sa aksidente sa Singapore, naiuwi na

by Erika Endraca | January 3, 2020 (Friday) | 3873
PHOTO BY: Jeffrey Lau

METRO MANILA – Naiuwi na sa Pilipinas ang labi ng 2 Overseas Filipino Worker (OFW) na nasawi sa aksidente Singapore noong December 29, 2019

Kagabi (Jan. 2) dumating sa Ninoy Aquino International Airport Termial 2 ang labi ni Abigail Danao Leste.

Habang ang labi ni Arlyn Nucos ay dumating noong Miyerkules (Jan. 1)  sa Clark International Airport.

May ipagkakaloob naman na tulong ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga kaanak ng mga nasawi at sugatang OFW sa nangyaring aksidente sa Singapore.

“Doon sa na- discharge fina- facilitate na iyong pagpapauwi . Doon sa mga nasawi ay siyempre iyong transport ng human remains in cooperation with the DFA and of course they are all active OWWA members, we are happy to report. And then iyong full entitlement sa buong owwa benefits and burial, livelihood.” ani OWWA Administrator Hans Leo Cacdac.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: ,