Lalakeng naaksidente sa motorsiklo sa Bulacan, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | October 19, 2016 (Wednesday) | 1211

nestor_tmbb
Naabutan ng UNTV News and Rescue Team na nakadagan pa sa isang lalake ang kanyang 4motorsiklo matapos maaksidente sa Barangay Kamalig Meycauayan, Bulacan pasado alas nueve kagabi.

Kinilala ang biktima na si Henry Gatil, 25 anyos ng Barangay Dayap Maycauayan.

Nagtamo ito ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng grupo.

Matapos bigyan ng first aid, dinala na ito sa pagamutan ngunit tatlong ospital ang tumanggi sa pasyente dahil sa kawalan ng ct scan.

Pagsapit sa Meycauayan Doctors Hospital, dito na inasikaso ang iba pang pangangailangang medikal ni Henry.

Lubos naman na nagpapasalamat ang kaanak ng biktima sa tulong ng UNTV News and Rescue Team.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: ,