Lalakeng naaksidente sa motorsiklo sa Butuan City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | August 28, 2018 (Tuesday) | 3595

Isang tawag mula sa Butuan PNP ang natanggap ng UNTV News and Rescue Team kaugnay sa isang aksidente sa Butuan City, pasado alas nuebe kagabi.

Sugatan ang gurong si Cornelio Abughoy matapos mahulog sa ginagawang bahagi ng Villa Kanangga Diversion Road.

Ayon kay Abughoy, hindi niya napansin na putol pala ang kalsada dahil madilim sa lugar at walang mga road signs sa kalsada.

Agad nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV Rescue ang mga sugat ni Abughoy.

Matapos lapatan ng first aid ang biktima ay dinala na ito sa Butuan City Medical Center upang masuri ng mga doktor.

Payo ng mga otoridad sa mga nagmomotorsiklo, ugaliing magsuot ng helmet at huwag magmaneho kapag nakainom upang makaiwas sa aksidente.

 

( Raymond Octobre / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,