Lalaking biktima ng banggaan sa Cebu City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | November 7, 2016 (Monday) | 1346

marlhon_tmbb
Nagtamo ng mga gasgas sa magkabilang siko at tuhod si Cesar Canacao, apatnaput walong taong gulang, matapos tumilapon sa kalsada nang banggain ng isang isuzu elf truck ang kanyang minamanehong multicab sa Morelos St. Brgy Tejero, Cebu City.

Agad na nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang biktima at dinala sa Perpetual Succuor Hospital upang mabigyan ng kaukulang medikal atensyon.

Depensa ng driver ng elf truck nag-overtake ang multicab at biglang kumaliwa kaya niya ito na bangga.

Patuloy pa na iniimbestigahan ng mga otoridad sa nangyaring aksidente at kung sino ang dapat mananagot sa pangayayari.

(Marlhon Abique / UNTV Correspondent)

Tags: ,