Lalaking biktima ng hit and run sa Balagtas Bulacan, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | March 4, 2016 (Friday) | 2761

NESTOR_TMBB
Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang lalaking biktima ng hit and run sa Barangay Burol First Balagtas, Bulacan pasado alas otso kagabi.

Kinilala ang biktima na si Paterno Velhica, kwarentay tres anyos, ng Barangay Mojon Malolos, Bulacan.

Ayon sa biktima, sakay sya ng kaniyang motorsiklo nang mabangga ng tricycle.

Nagtamo si Velhica ng hiwa sa kanang binti, gagas sa kanang braso at kamay.

Matapos malapatan ng pangunang lunas ay dinala ng grupo ang biktima sa Bulacan Medical Center.

Samantala hindi naman nakilala ang driver ng tricycle na agad tumakas matapos ang aksidente.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,