Lalaking naaksidente sa Tarlac City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | June 16, 2016 (Thursday) | 3864

BRYAN_TMBB
Nagtamo ng mga gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Gilbert Niño, bente-anyos matapos siyang sumalpok sa isang kotse, bahagi ng Mc Arthur highway sa Tarlac city, pasado alas-dose kaninang tanghali.

Depensa ng driver ng kotse na si Janeth Lugue, pa-uturn siya sa kalsada nang biglang sumalpok sa tagiliran ng kanyang sasakyan ang motorsiklo ni Niño.

Matapos bigyan ng paunang lunas ang mga sugat ni Niño ay inihatid na siya ng UNTV Rescue Team sa pinakamalapit na ospital.

Ngunit maaari maharap sa kaso si Niño dahil sa pagmamaneho nang walang helmet at walang lisensiya.

(Bryan Lacanlale / UNTV Correspondent)

Tags: , ,