Lalaking nabangga ng tricycle sa Bulacan, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | August 9, 2016 (Tuesday) | 1204

NESTOR_TMBB
Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang motorcycle rider, matapos mabangga ng kasalubong nitong tricycle sa Barangay Tumana, Sta. Maria, Bulacan, kaninang madaling araw

Kinilala ang biktima na si Wilfredo Nepuseno kwarenta y kwatro anyos residente ng Brgy. Gulod, San Vicente Sta.Maria, Bulacan.

Nagtamo ito ng sugat, gasgas sa mukha at hiwa sa ilalim ng kanang mata, iniinda rin nito ang pananakit ng katawan, matapos itong tumalsik sa pagkakabangga nito sa trycycle.

Agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng grupo ang biktima at dinala sa Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital sa bayan ng Sta.Maria.

Nangako naman ang trycycle driver na sasagutin nito ang pagpapagamot sa biktima at pagpapagawa sa nasirang motorsiklo.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: ,