Lalaking nahulog sa isang flyover bridge sa Baguio City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | June 30, 2016 (Thursday) | 1378

grace_tmbb

Nanginginig at halos walang malay ang lalaking ito matapos mahulog sa Leonard Wood Bridge sa Teachers Camp, Baguio City pasado ala-una ng madaling araw kanina.

Kinilala ang biktima na si Ceasar Sta. Ana Pacloy, 23-anyos at residente ng Purok 2 Gibraltar, Baguio City.

Ayon sa rumespondeng mga pulis, tinatayang nasa 30 feet ang taas ng tulay na kinahulugan ng biktima.

Ayon naman sa isang nakasaksi sa pangyayari, bago nahulog sa tulay ang lalaki ay may ininom ito.

Nagtamo ang biktima ng mga sugat sa mukha, pagdurugo ng ilong at posibleng nasal bridge deformation.

Namaga rin ang kanang paa nito at may posible pang bali sa kanang tuhod.

Nilapatan ng UNTV Rescue ng paunang lunas ang mga sugat ng biktima at binigyan rin siya ng cervical immobilization at oxygen assistance.

Pagkatapos ay dinala na siya sa ospital ng rumesponde ring Baguio City Emergency Medical Service.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: , ,