Lalaking naipit ang paa sa 10 wheeled truck, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | June 14, 2016 (Tuesday) | 1740

Joshua_tmbb
Isang tawag mula sa concerned citizen ang natanggap ng UNTV News and Rescue Team sa banggaan ng cargo truck at motorsiklo sa kahabaan ng Mc Arthur Hi-Way, Sitio Balangcas, Sto.Tomas, Pampanga pasado alas syete kaninang umaga.

Inabutan ng UNTV News and Rescue Team ang motorcycle rider na kinilalang si Eduardo Tibayan na nakaipit ang kanang paa ni Tibayan sa gulong ng cargo truck.

Agad ini–assess ng grupo si Tibayan na ayon sa mga residente ay halos dalawang oras nang nakaipit ang paa.

Kinailangan bigyan ito ng oxygen ng UNTV Rescue dahil hirap itong huminga.

Kinailangang tanggalin ang gulong upang maalis sa pagkakaipit ang biktima.

Matapos malapatan ng pangunang lunas ang mga tinamong sugat nito ay kaagad na dinala ang pasyente sa Jose B Lingad hospital.

Ayon sa pangunang imbestigasyon ng PNP, batay sa pahayag ng truck driver nawalan ito ng preno kaya tinangkang ibangga na lamang sa hardware.

Kung saan nasagasaan ang kasalubong na nakamotor na si tibayan.

Kaagad namang sumuko ang driver na nasa kustodiya ng PNP Sto.Tomas.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,