Lian Batangas, niyanig ng magnitude 5.4 na lindol kagabi

by Radyo La Verdad | October 23, 2017 (Monday) | 6809

Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang bayan ng Lian, Batangas kagabi.

Ayon sa PHIVOLCS, ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong anim na kilometro timog kanluran ng bayan ng Lian at tectonic ang origin nito.

May lalim na dalawandaang kilometro at naramdaman dakong alas diyes bente uno ng gabi.

Naradaman ang intensity 1 na pagyanig sa Tagaytay City at Calumpit, Bulacan.

Inaalam pa ng mga otoridad kung may napinsala sa nasabing lindol.

 

 

 

Tags: , ,