Mag-asawang nagtamo ng gasgas sa Cebu , nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | May 3, 2016 (Tuesday) | 1747

TMBB-CEBU
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang mag-asawang naaksidente sa motorsiklo kaninang pasado alas ocho ng umaga sa South Road Properties sa Cebu.

Natumba ang motorsiklo ng mag-asawa ng mahulog at masagasaan nila ang helmet ng sinusundang naka-motorsiklo.

Kaagad na nilapatan ng pang-unang lunas ng UNTV News and Rescue ang tinamong gasgas ng mag-asawa na kinilalang sina Alvin at Catherine Sta Ana.

Gasgas ang kaliwang tuhod ni Alvin at si Catherine naman ay nasugatan ang kaliwang braso na tumangging magpadala sa ospital.

Ihahatid sana ni Alvin ang kanyang asawa sa trabaho ng maganap ang aksidente.

Samantala, hindi man lamang tinigilan ng may-ari ng helmet ang mag-asawa.

(Gladys Toabi/UNTV NEWS)

Tags: