Magnitude 4.0 na lindol, yumanig sa Nueva Ecija; naramdaman din sa Quezon City

by dennis | April 9, 2015 (Thursday) | 2245
source: PHIVOLCS

source: PHIVOLCS

Isang magnitude 4.0 na lindol ang yumanig sa Nueva Ecija, 9:00 Huwebes ng gabi.

Batay sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol sa layong 5 kilometro (km) timog-kanluran ng San Jose City.

Tectonic ang origin nito at may lalim na 1 km.

Intensity III ang naramdaman sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija habang intensity II sa Quezon City, Palayan City at Cabanatuan City.

Wala namang naitalang pinsala o inaasahang aftershocks ang Phivolcs.

Tags: , , , ,